Sunday, March 8, 2020




Pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience


Ang ating bansa ay mayroong iba't ibang kalamidad na kinakaharap taon-taon. Gaya na lamang ng pagputok ng bulkan na kalimitang nangyayari, mga lindol, at bagyo na maaaring kumitil ng buhay, sumira ng tirahan, ari-arian ng maraming tao gayundin sa ating ekonomiya. Ang mga ito ay dumarating sa di-inaasahang panahon kaya nararapat lamang na maging handa ang bawat isa sa atin sa pagharap ng mga sakuna.

Ayon Kay Velasco, mayroong nasa 20 na bagyo ang dumadaan sa ating bansa kada-taon na nagiging sanhi ng mga pagbaha, pagguho ng lupa, at storm surges. Mayroon din 300 na bulkan ang Pilipinas na kung saan 24 dito ay aktibo. Nakapagtatala din aniya ng 20 na lindol ang PHIVOLCS araw-araw kabilang ang 90 na destructive earthquakes at 40 na tsunami sa nakalipas na 400 taon.




Sa ganito karami at iba't ibang uri ng kalamidad hindi maiiwasan na maapektuhan ang bawat mamamayan. Kinakailangan ng mga mamamayan ang higit na suporta, gabay at paalala na manggagaling sa gobyerno. Mayroong iba't ibang ahensya sa ating bansa na kumikilos sa panahon ng kalamidad kabilang dito ang NDRRMC, DOST, DILG, DSWD, at NEDA. Kung saan ang nagsisilbing sentro ng pag-aksyon ay ang Office of Civil.



Marahil dahil sa mga sunod-sunod na lindol na naganap ngayong taon, kasabay ng pagputok ng bulkang taal, at mga naging pinsala na natamo nito sa ating mamamayan at komunidad ang naging dahilan ng pagmumungkahi ng ating presidente sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience ay inaasahan dito ang pagkakaroon ng mas organisado at tapat na pagbibigay ng serbisyo at impormasyon sa mamamayan.


Maging sa kumpleto at maayos na proseso ng Disaster Management. Bilang tagapamahala sa iba't ibang ahensya na kumikilos sa panahon ng kalamidad.At bilang isang kabataan at mamamayan ng Pilipinas na kabilang sa mga taong may pagpapahalaga sa ating komunidad, kapwa mamamayan at ekonomiya.



Ako ay sang-ayon sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience. Sapagkat, hindi natin alam kung kailan at kung saan magaganap ang isang kalamidad, kung kaya't kinakailangan nating maging handa sa lahat ng oras, at sa tulong ng departamentong ito, maaari nating maagapan, mapaghandaan, masiguridad ang kaligtasan ng bawat isa.

Huwag na natin antayin na ang kalamidad pa ang magdikta sa atin kung kailan tayo kikilos at magdedesisyon. Kundi, ngayon pa lamang ay simulan na.






200ILoveYou's "Journal"


Isa sa mga pinakamagandang regalo na ating natanggap sa ating Panginoon, ay ang kakayahang umibig at iparamdam ang ating pagmamahal sa taong espesyal sa atin o sa ating minamahal. At ang bawat isa sa atin ay naghahangad na makatagpo ng isang tao na bubuo sa ating sarili.


Taong magpaparamdam sa atin kung gaano tayo kahalaga at magiging dahilan para lubusan nating maunawaan ang tunay na kahulugan ng salitang "kaligayahan". Ngunit kaakibat ng kaligayahan ay ang kalungkutan at kasawian.


Sa pagibig dumaraan tayo sa punto ng ating buhay na malulungkot tayo dahil sa mga pagsubok na darating sa ating pagmamahal o relasyon. Kabiguan sa ating buhay na di inaasahan na magdudulot sa atin ng labis na kalungkutan.


Gaano man ito, kasakit, kahirap, at kasaklap dapat ay marunong tayong lumaban at tumayo sa sariling mga paa at sabay na harapin ang pagsubok ng magkasama.
Isa lamang ito sa ipanakita ng ating mga aktor at aktres na sina Paulo Angeles bilang "Allanis" at Barbie Imperial bilang "Hennessy".


Na nagbigay buhay sa kwento ng pagmamahalan ng magkasintahan. Inantug nila ang puso ng mga manonood at talaga naman ito'y tumagos sa puso na nagpaitak sa mga manonood. Sa bawat pagbigkas ng mga linya na kanilang ninanamnam, talaga namang sila ay napakahusay.

At ang reyalidad ng buhay na sa pagmamahalan ay hindi hadlang ang anumang pagsubok upang sumuko kundi sabay na harapin at lumaban. At sa pagmamahalan dapat ay sulitin mo ang mga sandali na kasama mo ang iyong minamahal.

Sa kabuuang produksiyon at bawat eksena ay may magandang lugar na pinagkuhanan, na masasabi mong tugma o angkop sa eksena. At ang daloy ng istorya na nagbigay kulay nito, na lubusan naintindihan ng mga manonood.




Ang Katuturan ng Karanasan
at Istorya'y di ang
Pagtanda sa mga Pangyayaro,
kundi ang Pagtamo ng Aral sa Kanila

Kabiyak ng ating paghubog sa sarili ay ang pagharap sa mga karanasan sa buhay na ating nakakasalamuha sa paglipas ng panahon. Kung saan ay tumatatak sa ating puso't isipan ang mga pangyayaring iyon o di kaya'y nakukubli sa mga larawan ang alaala na nagbibigay daan upang tayo'y magbalik tanaw sa tuwing ito'y nakikita natin.


Hinde lamang sa karanasan nahuhubog ang personalidad ng isang tao kundi pati narin sa pagbabasa ng mga aklat na naglalaman ng makabuluhang istorya, at ang kalakip ng mga ito ay ang pagkatuto at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba't ibang bagay o kung ano ang reyalidad ng buhay na maaaring maisabuhay natin.


Ang kahalagahan ng ating bawat karanasan at pagbabasa ng mga aklat ay hindi lamang nasusukat sa kung gaano natin ito naaalala at kakabisa bagkus ay kung paano tayo natuto sa mga aral na nais iparating o iparanas sa atin nito na madadala natin sa ating paglaki at pagharap sa ating buhay.


Maihahalintulad ko ito sa aking karanasan ng ako'y nasa ikadalawang baitang, noong iwan kami ng aming ina. Ang karanasang ito ay ang nagbukas sa pinto upang ako'y maging isang matatag, na kinayang tumayo sa sarili mga paa. Ang sakit na dulo't nito ang naging dahilan upang tumatak ito sa aking puso't isipan na aking dala-dala.


Nangiwan kami ng aking ina ay naulila kaming tatlong magkakapatid, ang aking ama ang tumayo bilang ina at ama sa amin, habang kami ay nag-aaral sya naman ay pumapasok sa kaniyang trabaho. Sa bawat, araw na dumaraan sa amin ay nakagawian naming magkakapatid na kumilos sa sarili naming paraan upang makatulong sa hirap na nararanasan ng aming ama at upang hindi na makadagdag sa kaniyang alalahanin.



Mahirap man mawalan ng ina at katuwang na asawa ng aming ama ngunit basta't tulong tulong kaming mag-aama at sama-sama ito'y aming kakayanin.




Ang Buhay Senior High School

Isa lang naman ako na simpleng estudyante, hindi din naging ganoon kadali sa aking ang buhay senior high school dahil aminin natin minsan ay nakakaranas tayo ng kasiyahan at kapag hindi pinalad ay kalungkutan dahil narin siguro sa mga gawain na hindi mo alam kung paano uumpisahan, sabayan mo pa ng init sa byahe sa pag-uwi at sa pagpasok naman ang kumakalam mong sikmura dahil hindi ka na nakakakain ng umagahan dahil mahuhuli ka na sa klase.

Sabi ng iba, madali lang daw ang senior high school dahil dalawang taon lamang ito pero sa katunayan sa dalawang taon na ito ay sobrang dami mong dapat isakripisyo. Mahirap, may mga araw na gusto mong sumuko pero hindi mo magawa dahil gusto mo mapatunayan sa mga magulang at mga kaibigan mo na kaya mo.

Masasabi ko na mahirap nga ang buhay senior high school pero sa kabilang banda ito ay masaya din dahil madami kang bagong matutunan, lalo na't kasama mo ang mga kaibigan mo na tumulong sayo sa oras ng kahirapan. Hindi sa lahat ng oras ay kaya ko mag-isa ang mga pinagawa ng mga guro pero dahil sa mga kaibigan ko na na pumipilit sakin gawin ang mga bagay na mahirap sa akin, masasabi kong naging makabuluhan ang buhay senior high school ko.


Sa paglipas ng panahon madami akong natutunan galing sa aking mga guro, kaklase at mga estudyante sa aking paaralan. Alam ko sa lahat ng paghihirap na ito ay masusuklian ito ng matinding kasiyahan.



Bakit Ako Nagsusulat?

Bakit nga ba akong nagsusulat? Siguro dahil dito ko mas naipapahatid ang aking nararamdaman, mas madali kumpara sa pagsasalita. Para sa akin, ang mga letrang nakaukit sa papel ay mas madaling tandaan. Sapagkat, kahit sa pagpilipas man ng ilang taon hindi magbabago ang nais ipabatid nito.
Mahiyain akong tao. Madalas akong nauutal kapag kaharap ko na ang kausap ko. Bumabaliktad, pumupulupot ang dila ko sa kaba. Hirap akong magsabi ng aking saloobin. Sa pagsulat ko nailalabas ang lahat ng aking opinyon. Itong paraan lamang ang alam kong matapang ako.
Hanggang ngayon, malaking bahagi ng buhay ko ang pagsulat. Nailahad at naipakilala ko ng maayos ang sarili ko sa ibang tao. Naipabahagi ko ang kulay ng mundo sa aking mga minamahal at higit sa lahat, nakilala ko ng lubos ang sarili ko.




Batang May K!

Ako po ay naririto sa inyong harapan upang bigyan kayo ng kaalaman sa ginawang aksyong ng ating lupon ng mamamayan na nagsususlong sa karapatang pangtao ng isang indibidwal. Na nagbigay din ng opansin nsa kinakaharap na sitwasyon ng mga kabataan.


Nang maihalal sa posisyon ang ating pangulo, nasi Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2016 magpahanggang ngayon isa sa kaniyang adhikain o plataporma ang kampanya kontra droga na naglalayong hulin at linisin ang komunindad sa droga.


Kung saan nakapaloob dito ang programang "Oplan Tokhang". Ito ay nangbibigay ng pagkakataon sa mga pushers at users ng ilegal na droga na kusang loob na sumuko sa pulisya o di kaya sa kani-kanilang baranggay at tuluyan ng magbagong buhay.


Ngunit, subalit, bagama't, at datapwa't hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon pa ng isa pang problema habang sinusulosyunan po natin ang isang napakalaking problema. Tama ba? Bakit? Ayon sa tala ng PNP, umaabot sa 6,600 ang napatay sa kampanya kontra droga, samantalng 27,000 umano ang naitalang patay ng Human Rights.







No comments:

Post a Comment